Feeds:
Mga Paskil
Mga Puna

Archive for the ‘gabi’ Category

Ang Mahiwagang Lidasan

Iilan lamang ang mapapalad na masilayan ang Lidasan.  Kaya iilan lamang ang makapagsasabi hinggil sa sariwang hangin na nagbibigay buhay sa mga umaga doon. Ang hangin na tila ba nagdadala ng kakaibang lakas. Lakas na siyang dahilan kung bakit sadyang makapangyarihan ang mga nilalang sa lugar na iyon.

Mabibilang lamang silang nakasaksi sa pagsapit ng mga tanghali doon na madalas ay may hatid na kakaibang sigla sa dibdib. Sapagkat sa lugar na iyon ay walang araw subalit napakaliwanag. At ang liwanag na iyon ay tila ba lumalagos sa kamalayan at naghahatid ng malalim na pag-unawa sa mga bagay sa paligid. Tila ba ang mga tanghali ay nagiging daan sa pakikipagkaisa sa kalikasan.

At lalong iilan lamang ang makapagkukwento hinggil sa hiwaga ng mga gabi doon. Sapagkat sa tuwing gabi nanginginain ang makapangyairhang mga nilalang na nabubuhay sa luga rna iyon. At sa bawat gabi ay nagbabago ang mukha ng Lidasan. Sapagkat ang gabi mismo ay likha lamang ng kapangyarihan ng mga nilalang doon. ANg gabi doon ay isa lamang ilusyon. At sinumang mabibilanggo sa ilusyong iyon ay tiyak hindi na makakasilay pa sa susunod na umaga.

Sadyang mahiwaga ang mundo ng Lidasan. At silang mga nasilo sa hiwagang iyon ay hindi na nakalabas pa sa mundong iyon. Sila’y naging mga puno. ANg iba’y naging mga hayop.  At lahat sila’y hindi a nakalabas pa sa Lidasan.

Samantala, silang malalakas na nakapasok doon ay  nagbanyuhay upang maging makapangyarihang mga nilalang. Sapagkat sa Lidasan, sinumang nagnanais na lumakas ay lumalakas. At ang kapangyarihan ay nakakamtan ng sinumang handa upang gamitin ito.  

Iyan haun tagngaranan hu banuwa hi Binigsulan. Iyan haun banuwa hi Kalibato. Ba labaw hu alan, iyan haun banuwa ha amin duun tagtubo ha kayo ha ba su hapoy ha tagkalegdeg daw bolak ha mahumot.

Advertisements

Read Full Post »

Hindi mo akalaing sa talim ng mortal ikaw’y mapaluhod. Hindi mo akalaing makalipas ang libu-libong taon ng iyong pag-iral ay makakaharap mo ang iyong bagong amay. Hindi mo akalaing isang umaga’y magiging tagasunod ka ng isang mandirigmang nagmula sa dugo’t laman ng dakilang si Gaun.

At dahil hindi mo inakala, nadurog ang iyong mapagmataas na budhi. Hiniling mong igawad sa iyo ang iyong katapusan. Subalit hindi kamatayan ang hatol sa iyo. Sapagkat bakit kailangang tapusin ang pag-iral ng mga nilalang na magkakaroon ng malaking silbi sa angkan ni Gaun?

Kaya muli kang nagpatianod sa hangin. Kaya muli kang nagpalakas. Sapagkat alam mong isang araw, ang lakas mo’y kakailanganin ng nilalang na ngayo’y iyong amay. Siya na kinilalang Taglayang ha Bulalang Wahig daw Kalamag. Siya na madalas masumpungan tuwing tag-araw sa lilim ng Hapoy Ha Tagkalegdeg Bolak ha Mahumot sa ituktok ng Bundok Kibato.

Ikaw na baganing nabubuhay ng libu-libong taon, ngayon ay natanggap mo nang hindi sa uring pinagmulan nasusukat ang lakas at galing. Sapagkat hindi pa ganap ang maraming bagay. Sapagkat hindi pa ganap ang maraming pangyayari. Sino bang mag-aakalang ikaw na makapangyarihan ay luluhod sa harap ng mandirigmang malalambot pa ang buto?

Read Full Post »